75 porsyento ng buwanang sahod ng ilang miyembro ng Gabinete, ilalaan sa programa ng gobyerno vs COVID-19 – Nograles
Ilalaan ng ilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 75 porsyento ng kanilang buwanang sweldo sa programa ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19.
Inihayag ito ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases spokesman Karlo Nograles sa isinagawang briefing.
Aniya, karamihan sa Cabinet members ang boluntaryong ibibigay ang malaking parte ng kanilang buwanang sweldo habang ipinatutupad ang Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act law.
Ayon pa kay Nograles, may ilang miyembro ng Gabinete na magdo-donate ng sweldo hanggang sa Disyembre ng taong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.