Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City, nasa apat na

Umakyat na sa apat ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City.

Ayon sa Zamboanga City government, naitala ang nasabing bilang hanggang araw ng Biyernes, April 3.

Ang ikaapat na kaso ay Zamboangueña ngunit nakatira anila sa Maynila.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa Zamboanga City government ukol sa lagay ng ikaapat na kaso sa Maynila.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa ospital ang unang tatlong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Read more...