Germany, nahigitan na ang bilang ng COVID-19 cases sa China

By Angellic Jordan April 04, 2020 - 11:08 AM

Nahigitan na ng Germany ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa China, kung saan nagsimula ang virus.

Sa huling datos, pumalo na sa 91,159 ang bilang ng COVID-19 positive patients sa Germany.

Mas mataas ito kumpara sa 81,639 na naitalang kaso ng Coronavirus sa China.

Dahil dito, pang-apat na ang Germnay sa may pinakamataas na bilang ng kaso sa buong mundo.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na may 277,161.

Pangalawa ang Italy na may 119,827 na kaso at sumunod ang Spain na may 119,199 cases.

Samantala, sumampa na sa 1,098,434 ang total affected COVID-19 cases sa iba’t ibang bansa at teritoryo.

TAGS: China, COVID-19 cases, COVID-19 monitoring, Germany, Inquirer News, italy, Spain, usa, China, COVID-19 cases, COVID-19 monitoring, Germany, Inquirer News, italy, Spain, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.