Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00, Sabado ng umaga (April 4), nasa 195.56 meters ang tubig ng nasabing dam.
Mas mababa ito kumpara sa 195.77 meters na lebel nito noong Biyernes, April 3.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dams.
Samantala, bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa La Mesa at Magat Dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.