PNoy todo-papuri kay Roxas sa unang araw ng kampanya

By Den Macaranas February 09, 2016 - 04:38 PM

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

“Hello?….hindi na po ako kandidato”.

Yan ang tila patama ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang mga kritiko na ayon sa kanya ay hindi pa rin tumitigil samantalang ilang araw na lang ang nalalabi bago siya bumaba sa pwesto sa June 31.

Sa kanyang pagdalo sa pagsisimula ng kampanya ng tambalang Roxas-Robredo sa Roxas City, sinabi ng Pangulo na magpapatuloy ang pagpuna kay Roxas dahil siya ang opisyal na kandidato sa pagka-pangulo ng administrasyon.

Ayon sa Pangulo, “Mapa-krisis man sa Zamboanga, lindol sa Bohol o bagyong Yolanda, lagi siyang nasa frontline para sumaklolo at umalalay. Sa kabila nito, walang humpay na batikos at reklamo (ang natanggap niya). Parang naging platform na nila na hatakin s’ya pababa”.

Naniniwala ang Pangulo na sa kabila ng mga batikos ay makukuha pa rin ni Roxas ang suporta ng mga botante sa susunod na eleksyon.

Sa dami ng mga batikos, sinabi ni Aquino na nanatiling matatag ang kanilang kandidato at nagpatuloy sa pagtulong sa mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon pa sa Pangulo, “Hitik si Mar sa bunga kaya panay ang bato sa kanya”.

TAGS: 2016 elections, Aquino, liberal party, roxas, 2016 elections, Aquino, liberal party, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.