Satellite registration ng Comelec sa malls

July 03, 2015 - 05:45 PM

SMSisimulan na sa Sabado, July 4, 2015 ng Commission on Elections (Comelec) ang satellite registration at pagpapakuha ng biometrics sa mga malls.

Unang nakipagkasundo tungkol dito ang SM Malls, Robinsons at Ayala malls sa Comelec.

Layunin ng Comelec na mailapit sa publiko ang registration dahil marami sa mga botante ay busy at hindi magawang sadyain ang tanggapan ng Comelec sa kanilang mga lugar.

Sa ipinalabas na schedule ng Comelec, sa July 4, 2015, araw ng Sabado, may satellite registration at pagkuha ng biometrics sa mga sumusunod na malls para sa mga sumusunod na distrito:

SM North Edsa para sa mga botante sa Quezon City District 1; SM Megamall para sa mga botante sa Mandaluyong; SM South Mall para sa mga botante sa Las Piñas City; SM Manila para sa mga botante sa Manila District 5 at SM Center Point para sa mga botante sa Manila District 6.

Dalawang araw naman – July 4 at 5, 2015, Sabado at Linggo ang inilaang araw para sa registration sa mga sumusunod na malls at distrito:

Sa Glorietta para sa mga botante ng Makati District 1 at 2; Market Market para sa mga botante sa Taguig City; UP Town Center para sa mga botante sa Quezon City District 3; at sa Fairview Terraces para sa mga botante sa Quezon City District 5.

Sa July 11, 2015 araw ng Sabado, magkakaroon naman ng satellite registration at pagkuha ng biometrics sa Robinson’s Novaliches para sa mga botante sa Quezon City District 5; sa Robinson’s Metro East para sa mga botante sa Pasig City Districts 1 at 2 at sa Robinson’s Manila para sa mga botante sa Manila Districts 1, 2, 3, 4, 5 at 6.

Sa July 18 at 19 naman ang satellite registration sa Trinoma para sa mga botante sa Quezon City Districts 1, 2, 4 at 6; at sa Alabang Town Center para sa mga botante sa Muntinlupa City.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na nais nilang mailapit sa publiko ang registration at pagpapakuha ng biometrics. Milyon-milyong mga botante kasi ang wala pang biometrics at hindi sila makakaboto kung hindi magpapa-biometrics sa Comelec./ Ruel Perez may ulat mula kay Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: comelec, malls, Radyo Inquirer, satellite registration, comelec, malls, Radyo Inquirer, satellite registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.