Ayon kay Belmonte, tama ang mga residente ng lungsod nang sabihin nilang ang lahat ng proyekto na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ay pinopondohan sa pamamagitan ng buwis ng mga mamamayan.
“First, I sincerely apologize for losing my composure on social media. You are correct that all the projects implemented by the QC government belong to you, as they are funded by your taxes. When I was elected as Mayor, I was given the honor and privilege to serve all QC residents, regardless of political affiliation. Pero alam kong isang malaking pagkakamali na nakapag-post ako ng mga salitang taliwas dito. Inaamin ko po na nagkamali ako,”
Nag-sorry din ang alkalde sa maling paggamit ng bags na may nakasulat na “Joy Para Sa Bayan” sa mga ipinamahaging “health kits”.
Ayon kay Belmonte, ang nasabing mga bag ay natira noong panahon ng kampanya at ito lang ang natatanging available na lalagyan na maaring magamit sa unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Pero ayon kay Belmonte, hindi ito katwiran at mali pa rin na nagamit ang nasabing mga lalagyan.
“It is clear that this was highly insensitive given the circumstances. Inaamin ko po na nagkamali ako. When I reflect on these actions, I do not recognize the public servant that I aspire to be. The citizens of Quezon City deserve better. I will do better,” dagdag pa ni Belmonte.
Kasabay nito sinabi ni Belmonte na mayroong misinformation campaign laban sa
QC local government sa social media.
At base sa kanilang analysis ang nasa likod nito ay libu-libong paid trolls.
Dahil dito, umapela si Belmonte sa publiko na maging kritikal sa mga nababasa nila at ibinabahagi sa social media.
“Huwag po tayong magpadala sa “fake news” at trolls. Sa halip na tumulong at makiisa sa lungsod para malampasan ang COVID-19, may mga taong sinasamantala ang krisis para sa kanilang pansariling interes,” ayon sa alkalde.