Bilang ng mga Pinoy na apektado ng COVID-19 sa ibang bansa 466 na; 21 ang nasawi

Umakyat na sa 466 ang bilang ng mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo na apektado ng COVID-19.

Ayon sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa nasabing bilang 316 ang ginagamot pa sa ospital.

129 naman ang naka-recover na at nakalabas na ng pagamutan.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na nasawi sa sakit at ngayon ay umabot na sa 21.

Ayon sa DFA, ang mga Pinoy na apektado ng sakit ay mula sa 32 bansa at teritoryo sa mundo.

Read more...