7 Pinoy sa New York pumanaw sa COVID-19

Pitong Filipino nationals na sa New York ang pumanaw sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Consulate General in New York City Claro Cristobal, maraming iba pang Pinoy sa New York ang apektado ngayon ng sakit.

Sa kabila aniya ng pagiging maingat ng mga Filipino sa New York nakalulungkot na pito na ang nasawi.

Hinimok ni Cristobal ang mga Pinoy sa New York na sundin ang guidelines ng local health authorities doon at manatili lamang sa kanilang mga bahay.

Ang mga Pinoy na may kailangang tulong ay maaring tumawag o mag-message sa Facebook ng embahada.

Read more...