Sinabi ni Marcos na ang mga ito ay kabilang sa 40,000 container vans na nakatambak lang sa Manila International Container Port (MICT) dahil sa hindi pagkakaintindihan ng ilang ahensiya ng gobyerno, port operators, shipping lines, importers, brokers, forwarders at truckers.
Aniya naghihintay lang ang mga importers na tumindi pa ang pangangailangan sa kanilang produkto para sila ay makapagtaas ng presyo.
Reklamo naman ng brokers mabagal ang pagproseso sa kanilang mga dokumento bunga ng lockdown, maging ang Bureau of Customs ay nagka-problema rin sa kanilang sistema.
Hiling ni Marcos dapat ay kumilos na rin ang Philippine Ports Authority (PPA) para mapabilis na ang paglabas ng mga containers dahil mahahalaga ang laman ng mga ito para maibsan ang kasalukuyang krisis.