Mga gamot at pagkain ‘stranded’ as Manila port ayon kay Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio April 03, 2020 - 05:17 PM

Ibinunyag ni Senator Imee Marcos na may 800 20-foot refrigerated container na naglalaman ng mga gamot, pagkain at mahahalagang bagay, ang naiipit ngayon sa Port of Manila.

Sinabi ni Marcos na ang mga ito ay kabilang sa 40,000 container vans na nakatambak lang sa Manila International Container Port (MICT) dahil sa hindi pagkakaintindihan ng ilang ahensiya ng gobyerno, port operators, shipping lines, importers, brokers, forwarders at truckers.

Aniya naghihintay lang ang mga importers na tumindi pa ang pangangailangan sa kanilang produkto para sila ay makapagtaas ng presyo.

Reklamo naman ng brokers mabagal ang pagproseso sa kanilang mga dokumento bunga ng lockdown, maging ang Bureau of Customs ay nagka-problema rin sa kanilang sistema.

Hiling ni Marcos dapat ay kumilos na rin ang Philippine Ports Authority (PPA) para mapabilis na ang paglabas ng mga containers dahil mahahalaga ang laman ng mga ito para maibsan ang kasalukuyang krisis.

TAGS: COVID-19, Health, Manila Port, Mga gamot at pagkain 'stranded', Sen. Imee Marcos, COVID-19, Health, Manila Port, Mga gamot at pagkain 'stranded', Sen. Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.