Dating OMB chairman nanindigan na hindi siya pwedeng suspendihin dahil resigned na siya

By Jan Escosio February 09, 2016 - 04:30 PM

Ronnie-Ricketts
Inquirer file photo

Hiniling ni suspended Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts sa Sandiganbayan 4th Division na bawiin ang ipinataw sa kanyang 90-day preventive suspension kaugnay sa kinahaharap na kasong katiwalian.

Katuwiran ni Ricketts sa kanyang mosyon, hindi na siya ang chairman ng OMB at hindi na rin siya opisyal ng gobyerno nang ipalabas ang suspension order sa kanya noong nakaraang January 27.

Kalakip ng kanyang motion for reconsideration ang kopya ng kanyang letter of resignation na may petsang October 7 2015.

Nagbitiw sa posisyon ang dating opisyal bago niya isinumite ang kanyang certificate of candidacy bilang kinatawan ng lone congressional district ng Muntinlupa City sa papalapit na eleksyon.

Magugunita na sinampahan ng kasong katiwalian si Ricketts at tatlo pang opisyal nga ahensiya nang bigyan diumano nila ng pabor ang Sky High Marketing Corporation na nagmamay-ari ng tone-toneladang pirated DVDs at VCDs sa kanilang kinumpiska sa isang raid noong May 27 2010.

Sinabi ng Ombudsman na pinayagan diumano ni Ricketts na mabawi ng kumpaniya ang mga piniratang produkto ilang oras lang matapos ang kanilang operasyon.

Ang apat na akusado ay pansamantalang nakakalaya dahil nakapaglagak sila P30,000 na piyansa bawat isa.

TAGS: OMB, ombudsman, ronnie ricketts, sandiganbayan, OMB, ombudsman, ronnie ricketts, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.