Pasay LGU may ordinansa kontra panic buying

By Jan Escosio April 03, 2020 - 05:11 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagpasa ng ordinasa ang lokal na pamahalaang ng Pasay City laban sa hoarding at panic buying.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubio isang paraan ang ordinansa para mapigilan ang mga taga-lungsod sa pagbili ng mga pangunahing bagay na higit sa kanilang pangangailangan.

Ipinasa ang ordinansa aniya dahil may mga bumibili ng mga pagkain at napapanahong bagay, tulad ng alcohol, sanitizers, disinfectants at masks, ng sobra-sobra at marami ang nauubusan o nawawalan.

Nilimitahan ng ordinansa ang pagbili sa ilang de-lata, tinapay, bigas, itlog, mantika, gatas, mineral water, suka, toyo, patis, instant noodles at asukal, maging alcohol, hand sanitizers, tissue paper, disinfecting liquids, sabon panligo at sabong panlaba.

Samantala, hanggang 10 lang ang maaring bilihin na mask at limitado rin ang maaring bilihin na toothpaste.

Ang mga mahuhuling lalabag sa ordinasa ay pagmumultahin ng P5,000.

TAGS: COVID-19, Health, hoarding, Mayor Emi Calixto-Rubio, panic buying, Pasay LGU, COVID-19, Health, hoarding, Mayor Emi Calixto-Rubio, panic buying, Pasay LGU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.