Sen. Tito Sotto: DSWD lang ang magbibigay ng ‘Bayanihan fund’

By Jan Escosio April 03, 2020 - 05:07 PM

Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III tanging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) lang ang mamahagi ng tulong-pinansiyal para sa mga pamilya na lubhang naapektuhan ng kasalukuyang krisis.

Ayon sa namumuno sa Senado ang lahat ng pamilya ay mabibigyan ng aplikasyon para sa Social Amelioration Card (SAC), na magiging basehan nang pagtanggap ng P5,000 hanggang P8,000 tulong pinansiyal.

Aniya ang application form ay ipamamahagi ng mga opisyal ng barangay sa bawat bahay at sa kanila rin ito ibabalik.

Ang DSWD naman ang magba-validate ng aplikasyon at tanging ang kagawaran rin lang ang magbibigay ng tulong pinansiyal.

Sinabi pa ni Sotto na magkakaiba ang ibibigay na tulong pinansiyal dahil ito ay nakadepende sa ipinatutupad na minimum daily wage sa bawat rehiyon.

Idinagdag pa nito ang application form ay libre ay wala dapat sisingilin ang barangay.

TAGS: COVID-19, dswd, Health, Social Amelioration Card (SAC), Vicente Sotto III, COVID-19, dswd, Health, Social Amelioration Card (SAC), Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.