Guiuan, Eastern Samar muling niyanig ng lindol

By Mary Rose B. Cabrales April 03, 2020 - 04:10 PM

Unang naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 52 kilometers Southeast ng bayan ng Guiuan, alas-3:06 hapon ng Biyernes (April 3) at may lalim na 9 kilometers

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.2 na pagyanig sa 63 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Guiuan, alas-3:21 hapon.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks ang dalawang pagyanig.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Nauna nang niyanig ng magnitude 4.5 at 4.6 na lindol ang Guiuan kaninang 6:29 ng umaga at 12:27 ng tangahali.

TAGS: eastern samar, Guiuan, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, eastern samar, Guiuan, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.