Pag-convert sa Ninoy Aquino Stadium bilang quarantine facility mapapabilis
By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 02:49 PM
Mabilis ang proseso ng pag-convert sa Ninoy Aquino Stadium bilang quarantine facility.
Sa mga larawang ibinahagi ng Philippine Sports Commission (PSC), naitayo na ang haligi at nalagyan na ng partition ang bawat kwartong gagamitin ng mga pasyente.
Ayon sa PSC, 112 bed units ang ilalagay sa Ninoy Aquino Stadium.
Sinabi naman ni Public Works and Highways Sec. Mark Villar na sa susunod na linggo ay operational na o magagamit na ng mga pasyente ang naturang pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.