OWWA Deputy Administrator Mocha Uson muling nabatikos dahil sa paggamit ng larawan ng SM Foundation sa post sa kaniyang FB page

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 02:40 PM

Nababatikos naman ang Facebook Page ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson.

Ito ay matapos na mag-post si Uson tungkol sa 15,000 sets ng personal protective equipment (PPEs) na binili ng Department of Health (DOH).

Sa nasabing post, may inilakip na larawan si USon ng mga medical frontliner suot ang PPE at kahon-kahong PPEs na dumating sa bansa.

May caption ito na “15,000 set of PPE delivered. Ito ay unang batch sa 1-mimllion PPE set na binili ng gobyerno,”

Pero nabatid na ang larawang ginamit sa post ay mula sa FB Page ng SM Foundation.

Binago din naman kalaunan ang larawan sa FB page ni Uson.

Humingi din ito ng paumanhin sa nangyari at sinabing ang larawan ay nakuha niya lang mula sa Philippine Star website.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, erratum, FB page, Health, Inquirer News, mocha uson, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, sm foundation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, erratum, FB page, Health, Inquirer News, mocha uson, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, sm foundation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.