outbrain

LOOK: Frontliners ng Antipolo City napagkalooban ng PPEs na likha ng fashion designer na si Michael Leyva

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 02:15 PM SHARE(S):

Maging ang mga frontliner sa Antipolo City ay nabiyayaan ng Personal Protective Equipment na likha ng fashion designer na si Michael Leyva.

Ibinahagi ng Antipolo City Government sa kanilang Facebook page ang larawan ng mga frontliner ng Antipolo suot ang likhang PPE ni Leyva at kaniyang team.

Nagpasalamat naman ang LGU ng Antipolo kay Leyva.

“Isa siya sa mga naunang designers na naka isip na unahin ang pag gawa ng mga PPE’s para sa ating mga frontliners at isantabi muna ang mga pinapagawa sa kanya ng kanyang mga clients. Ngayon ay madami ng fashion designers sa bansa ang nagsunuran at yan ay dahil kay Michael,” ayon sa pahayag.

Sa ngayon ay mayroong pang nagagamit na PPE ang mga frontliner ng lungsod pero ayon sa lokal na pamahalaan padami ng padami ang kaso ng COVID sa lungsod kaya tuloy ang pagtanggap nila ng donasyon.

Una nang namahagi si Leyva ng PPEs sa mga frontliner sa ospital.

TAGS: Antipolo, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, fashion, Health, Inquirer News, michael leyva, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PPEs, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Antipolo, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, fashion, Health, Inquirer News, michael leyva, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PPEs, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.