Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Rizal 106 na

Nakapagtala na ng 106 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Sa inilabas na datos mula sa Rizal Provincial Government, kabilang ang sumusunod na bayan sa nakapagtala ng mga kaso ng sakit:

Antipolo- 36
Cainta – 27
Taytay – 13
San Mateo – 10
Binangonan – 6
Montalban – 4
Teresa – 2
Morong – 2
Jalajala – 2
Cardona – 2
Angono – 1
Baras – 1

Nananatili namang walang kaso ng COVID-19 sa Tanay at Pililia.

Sa buong Rizal, umabot na sa 9,188 ang PUMs at 466 ang PUIs.

Sa 466 PUIs, 41 ang naka-admit pa, 259 ang nasa PUI headquarters at 166 ang cleared na.

Read more...