Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 66
Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 66 ang kabuuang kaso (Biyernes, April 3 8AM).
Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:
Santa Rosa – 15
San Pedro – 12
Biñan – 9
Calamba – 9
Los Baños – 5
Cabiyao – 3
Majayjay – 3
Pila – 2
Alaminos – 1
Bay – 1
Calauan – 1
Lumban – 1
Nagcarlan – 1
San Pablo – 1
Santa Cruz – 1
Victoria – 1
Anim naman na ang nasawi at lima ang naka-recover sa sakit.
Samantala, umabot na sa 828 ang patient under investigation (PUIs) at 5,644 naman ang person under monitoring (PUMs).
Nasa 7,677 naman ang mga PUMs na na-clear na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.