Mayroon nang walong COVID testing laboratories sa bansa ayon sa IATF
Walo na ang pasilidad sa Pilipinas na mayroong kakayahan na makapagsagawa ng COVID-19 tests.
Ayon ito kay Cabinet Secretary Karlos Nograles na siya ring tagapagsalita ng Inter Agency Task Force.
Kabilang dito ang sumusunod na pasilidad:
– Research Institute for Tropical Medicine
– Baguio General Hospital and Medical Center
– San Lazaro Hospital
– Vicente Sotto Memorial Medical Center
– Southern Philippines Medical Center
– University of the Philippines-National Institutes of Health
– Western Visayas Medical Center
– Lung Center of the Philippines
Marami pang pasilidad sa bansa ang nasa proseso na ng pag-upgrade para maaprubahan bilang COVID testing facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.