Guiuan, Eastern Samar niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 63 kilometers Southeast ng bayan ng Guiuan, alas-12:27 tangahali ng Biyernes (April 3).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Palo, Leyte at Surigao City, Surigao del Norte.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

Read more...