32 Pinoy sa Singapore nag-positibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 12:30 PM

Mayroon nang 32 Pinoy sa Singapore ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Singapore, sa nasabing bilang, 26 pa ang ginagamot sa ospital.

Anim na Pinoy naman ang gumaling na at nakalabas na ng pagamutan.

Payo ng embahada sa mga Pinoy sa Singapore manatili lamang sa kanilang mga tinitirahan kahit pa araw ng pahinga o day off.

Bawal din ang pagtitipon ng higit sa sampung katao.

Ang Singapore ay mayroong 1,000 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa nasbaing bilang, 291 ang naka-isolate sa ospital, 437 ang stable na ang kondisyon, 24 ang nasa ICU, 245 ang gumaling na at 3 ang nasawi.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, ofw, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, singapore, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DFA, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, ofw, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, singapore, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.