Blackbox ng nasunog at sumabog na eroplano ng Lionair kailangan pang ipadala sa ibang bansa

LionAIr planeAabutin pa ng kalahati hanggang sa isang taon bago mailabas ang resulta sa imbestigasyon ng bumagsak ng Lionair aircraft na ikinasawi ng walong sakay nito

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), apektado kasi ng nararanasang pandemic ang proseso ng imbestigasyon.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, Kawalan ng sapat na pasilidad ang dahilan ng kung bakit matatagalan ang imbestigasyon sa bumagsak na eroplano.

Aniya, walang kakayahan ang Pilipinas na basahin ang nilalaman ng data mula sa narekober na blackbox ng eroplano.

Sinabi ni Apolonio na kailangan pang ipadala ang blackbox sa ibang bansa tulad ng Australia, Singapore, at Japan na may sapat na kakayahan sa teknolohiya

Pinaplantsa aniya nila kung saan sa tatlong bansa ipapabasa ang data ng blackbox.

 

Read more...