Layunin din nitong maiwasan ang contact sa pagitan ng mga nagmamando sa checkpoints at sa mga bumibiyaheng exempted sa enhanced community quarantine.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na tagapagsalita rin ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, bibigyan ng QR codes ang mga frontliners at iyon na lang ang ii-scan kapag dumaan sila sa control points.
Ang frontliners ay pwedeng mag-request ng kanilang code sa website na https://RapidPass.ph gamit ang desktop o mobile phone.
“Pag approved na ito, a unique and secure QR code and control number will be granted to each authorized person or vehicle,” ayon kay Nograles.
Pwedeng i-print ang QR code at maaring ipaskil sa sasakyan para madaling mai-scan.