“Kapag namatay ako…pwedeng humalili sa akin si Bongbong” – Sen. Santiago
Mistulang naghabilan na si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang ka-tandem na si Sen. Bongbong Marcos.
Sa kick-off campaign ng tambalang Santiago-Marcos sa Ilocos Norte apat na beses inulit ni Santiago na kung may mangyayari sa kanya may sapat umanong kakayanan si Marcos na humalili sa kanya bilang Pangulo ng bansa.
Sinabi pa ni Santiago sa kanyang speech kaharap ang mga Ilocano supporters na kailangan ng bansa ang mga young and idealistic leaders na mag take-over sa gobyerno kung siya ay mahalal at may mangyari sa kanya.
Magugunitang inamin ni Santiago na mayroon siyang stage 4 lung cancer pero sa kasalukuyan ay maayos na umano ang kanyang kalusugan.
Sa pagpunta ng dalawa sa Ilocos Norte ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magpakita sina Santiago at Marcos na magkasama simula ng i-anunsyo nila ang kanilang tambalan sa 2016 elections.
Sa pagpapatuloy ng kampanya, tiniyak din ni Santiago na ipapakulong niya ang mga nagbulsa ng pork barrel.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas na may options ang mga makukulong na magnanakaw ng pondo ng bayan mula sa “regular, first class hanggang business class” basta’t ang mahalaga ay maikulong daw sila.
Idinagdag pa ni Santiago na nagdesisyon siyang sumama kay Marcos sa Ilocos Norte para sa kanilang pagsisimula ng kampanya dahil special umano sa kanya ang mga Ilocano.
Nangako naman si Sen. Marcos na buburahin niya ang pagkakahati-hati dahil sa politika.
“Itong politics of division na kanya-kanya, na kampihan. Na kung hindi ka namin kasama aykaaway ka naming, ito ang naglagay sa atin kung bakit madami tayong problema ngayon sa kahirapan, trabaho, kalusugan at iba kaya dapat magkaisa tayo upang magagawa natin tulungan ang isa’t-isa”, pahayag ng mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.