Pagtatayo ng karagdagang pasilidad para sa mga COVID-19 PUIs puspusan na

By Ricky Brozas April 03, 2020 - 09:19 AM

Puspusan ang ginagawang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na conversion ng PICC Forum Tent bilang COVID facility para sa mga mild to moderate cases ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kailangang apurahin ang paggawa ng health care facilities para sa tumataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 upang mapaluwag ang mga nagsisiksikang ospital sa Metro Manila at mailaan ang mga hospital bed para sa malalalang kaso.

Magtatayo rin ng anim na pasilidad sa labas ng PICC forum tent para sa mga medical personnel na gagamot sa mga pasyente.

Paglalarawan pa ng kalihim sa sitwasyon kailangang makipag-unahan sa oras ang ahensiya, at tiniyak na tatapusin ang health facilities sa loob ng sampung araw kung saan ay 24/7 ang pagtratrabaho.

Bukod sa PICC, on-going na ang trabaho sa Rizal Memorial Coliseum at sa World Trade Center.

Katuwang ng DPWH sa pagtatayo ng covid facilities ang pribadong sektor sa pangunguna ng EEI Construction, Razon Group, Ayala Group at Villar group.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DPWH, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PICC, public health emergency, quarantine facility, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DPWH, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PICC, public health emergency, quarantine facility, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.