Lalabag sa mandatory na pagsusuot ng face masks maaring maaresto – PNP
Dahil magiging mandatory na ang pagsusuot ng face masks sinabi ng Philippine National Police (PNP) na maaring maaresto ang mga lalabag.
Ayon Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ng Joint Task Force COVID-19 Shield, hindi lang surgical masks kundi anumang uri ng proteksyon ay maaring magamit ng mga residente na lalabas ng bahay.
Tugon ito ng PNP sa mga nagtatanong kung saan sila kukuha ng face masks ngayong kapos ang suplay.
Ang sinumang walang suot na masks ay maaring hindi payagang makalagpas sa checkpoint, papauwin o maari ding maaresto.
Ang local government units ang magpapasa ng ordinansa sa kani-kanilang mga lugar sa pagsusuot ng face masks.
Kailangan ding ilatag sa ordinansa ang mga parusa sa mga lalabag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.