Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 195.77 meters alas-6 ng umaga ng Biyernes (April 3) mas mababa sa antas nito kahapon na 195.97 meters.

Bahagya ring nabawasan ang water level ng Ipo dam na nasa 101.05 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.06 meters habang ang Lamesa dam naman ay nanatili sa 77.00 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya damshabang nadagdagan naman ang water level ng Binga dam.

Read more...