Cauayan, Negros Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers Northwest ng bayan ng Cauayan, alas-6:22 umaga ng Biyernes (April 3).

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...