PAGASA nakapagtala ng lagpas 37 degrees Celsius na temperatura sa dalawang lugar sa bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 05:48 AM

Nakapagtala ang PAGASA ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, April 2.

Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 37.0 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Iba, Zambales at sa Tuguegarao City kahapon.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

Cotabato City – 36.9 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 36.8 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36.6 degrees Celsius

Mainit din ang naitalang temperatura sa Metro Manila matapos na umabot sa 34.6 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.

Payo naman ng PAGASA sa publiko ngayong mainit ang panahon, dalasan ang pag-inom ng tubig, magsuot ng light-colored na damit, at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.