Mass testing sa PUIs at PUMs, target masimulan sa April 14
Inihayag ni Presidential Peace Adviser at National Task Force COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na magsagawa ng mass testing simula April 14.
Sa isang press briefing, sinabi ni Galvez na kabilang sa mass testing ang mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM).
Determinado aniya ang gobyerno na mapabilis ang accreditation ng iba pang laboratoryo para masimulan ang massive testing.
Kasabay nito, hinimok ni Galvez ang Department of Health (DOH) na madaliin ang proseso sa iba pang ospital na humiling ng accreditation para sa testing ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroon aniyang siyam na accredited hospitals na nagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.