Natanggap na ng mga public utility driver sa Taguig City ang P4,000 tulong pinansiyal ng pamahalaang-lungsod.
Unang nabigyan ang 700 miyembro ng iba’t ibang TODA at mahigpit na ipinatupad ang social distancing sa pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa kaligtasan ng mga driver.
Ang iba pa ay tatanggap din ng P4,000 dahil magpapatuloy ang pagbibigay sa mga susunod na araw.
May mahigit na 15,000 miyembro ng iba’t ibang tricycle at jeepney drivers maging operator sa lungsod.
Sa susunod na buwan, muling mamimigay ng karagdagang P4,000.
Inaasahan na ang halaga ay sasapat na sa pangunahing pamilya ng mga pampublikong drayber.
Sa pahayag ng mga grupo ng drayber sang-ayon naman sila sa mga hakbangin na ginagawa ng pamahalaang-lungsod para sa kanilang kaligtasan.
Una nang namahagi ang pamahalaang lungsod ng 104,612 stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeños.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.