Bilang ng Filipino na nasawi dahil sa COVID-19 sa abroad, umakyat na sa 14 – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 2, nasa 448 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 32 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 313 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 121 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Umakyat naman sa 14 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 211 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 148 kaso, Middle East na may 52 na kaso habang ang Americas naman ay may 37 cases.

Read more...