Supermarkets dapat atasan na maglagay ng special lanes sa frontliners

By Erwin Aguilon April 02, 2020 - 07:58 PM

Congress photo

Hinimok ni Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun sa Department of Trade and Industry at sa Inter-Agency Task Force na atasan ang supermarkets, convenience stores, at groceries na maglagay ng special lane para sa frontliners.

Ayon kay Fortun, may ilang establisyimento na ang gumagawa nito pero mainam pa rin na obligahin ang paglalagay ng express lane para sa mga frontliners na gagawin naman sa buong bansa.

Hindi na aniya kakailanganin pang magtagal sa pila ng frontliners dahil importante ang bawat oras para sa kanila.

Bukod sa special lane, hinikayat din ng kongresista ang LGUs na atasan ang mga tindahan na magbigay ng discount sa frontliners.

Sa ganitong paraan aniya ay maipapakita natin sa frontliners lalo na ang mga nasa medical institutions at mga nasa checkpoints ang pasasalamat sa kanilang pagsasakripisyo sa gitna ng panganib ng COVID-19.

Hinimok naman ni Fortun ang publiko na magpakita ng gratitude o pasasalamat sa frontliners sa pamamagitan ng pagyuko, pag-ngiti at simpleng kaway kapag makakasalubong ang mga ito.

TAGS: COVID-19 frontliners, Inquirer News, Rep. Lawrence Fortun, COVID-19 frontliners, Inquirer News, Rep. Lawrence Fortun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.