BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 2,633

By Angellic Jordan April 02, 2020 - 04:59 PM

Mahigit 300 ang nadagdag na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na 322 ang napaulat na panibagong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 2,633 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa Pilipinas.

Ayon pa kay Duque, isang pasyente ang gumaling sa COVID-19 dahilan para umabot ang total recoveries sa Pilipinas sa 51 na.

Samantala, 11 namang pasyente ang nasawi kung kaya umabot na sa 107 ang COVID 19-related deaths sa Pilipinas.

TAGS: COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, doh, Inquirer News, Sec. Francisco Duque III, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, doh, Inquirer News, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.