WHO sa publiko: Mag-ingat sa online scam hinggil sa monetary giveaway
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa mga online scam na kumakalat ngayon.
Partikular na tinukoy ng WHO Philippines ang post sa social media na diumano’y pamimigay nila ng monetary giveaway.
Sa nasabing post ng umano’y WHO collections ay mamimigay diumano ang WHO ng $10,000 bilang reward bilang tulong dahil marami umano ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Nakasaad pa rito na may 2,400 katao na umano ang nanalo at ang kailangan lang ay i-type ang salitang HEALTH.
Sa nasabing post ay may larawan pa ng isang lalaking dayuhan na may hawak na mga dolyar.
Paalala ng WHO sa publiko, huwag maniwala sa mga ganitong online scam at sundan ang mga opisyal o lehitimong social media account ng WHO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.