Saint Bernard, Southern Leyte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers Northwest ng bayan ng Saint Bernard, ala-1:52 hapon ng Huwebes (April 2).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...