Paghahain ng kaso sa LGU officials na hindi susunod na ECQ, grave violation lang – Nograles
Tanging sa grave violation lamang ang paghahain ng kaso sa mga local government officials na hindi tatalima enhanced community quarantine na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19.
Pahayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
“Kung meron talagag grievous and grave violation we will apply yung Bayanihan to healh as one act. But the Department of Interior and Local Government nakabantay din naman at nakikipag-ugnayan with the LGUs. So if its just a matter of miscommnucation, misapplication or things like that, madali naman pakiusapan eh pwede naman kausapin. And the DILG has been doing that and the LGUs adjust,” pahayag ni Nograles.
Ayon kay Nograles, reserba lamang ang kapangyarihan na maghain ng kaso.
“Reserved lang ‘yung, power to file cases and prosecute. That’s only in grievous and grave instances, but yes of course may nakaabot na kay Pangulo doon sa mga sa abusive,” pahayag ni Nograles.
Matatandaang pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigstion si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa pagpayag na makabiyahe ang mga tricycle sa siyudad bagay na paglabag umano sa umiiral na enhanced community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.