Mga kandidato na gagamit ng mga babae bilang ‘sex object’ sa kampanya, mahaharap sa patong-patong na kaso

GABRIELANagbabala ang Gabriela Party list sa mga kandidato na gagamit sa mga babae bilang “sex objects” sa kanilang kampanya.

Ayon kay Rep. Emmi De Jesus, maaaring maharap sa iba’t ibang mga kaso ang sinumang kandidato na gagamit sa mga kababaihan sa kampanya.

Halimbawa aniya rito ang karaniwang sistema sa kampanya o sorties kung saan pinasasayaw ang mga babae sa entablado upang makahatak ng audience.

Ani De Jesus, posibleng masampahan ang mga lalabag ng Republic Act 9710 o Magna Carta of Women at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Una nang inihain ng Gabriela Partylist sa Kamara ang House Resolution 2345 na nagpapasiyasat sa paggamit sa mga babae bilang sex objects sa mga pagtitipong politikal.

Ito ay kaugnay sa kontrobersiya na kinasangkutan ng Liberal Party dahil sa isang pagtitipon sa Laguna kung saan may mga babaeng dancers na nag-twerk.

Read more...