Kaso ng COVID-19 sa Laguna, 58 na

Umakyat na sa 58 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa huling datos ng Laguna Provincial Office kabilang sa mayroong pinakamaraming kaso ang Santa Rosa (13), San Pedro (10), Binan (8), Calamba (8), Los Banos (4), Cabuyao (3), at Majayjay (3).

Tig-iisa naman ang kaso ng COVID-19 sa Alaminos, Bay, Calauan, Lumban, Nagcarlan, Pila, San Pablo, Santa Cruz, at Victoria.

Sa 58 kaso, 3 ang naka-recover na habang mayroong 5 nasawi.

Mayroon namang 821 na persons under investigation sa Laguna, at 5,444 ang patients under monitoring.

Read more...