Mga naaresto sa Navotas dahil sa paglabag sa ECQ umabot na sa 488

Sa nakalipas na magdamag 29 pa ang nadakip sa Navotas City dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine.

Sa kabuuan ayon sa Navotas City Government, umabot na sa 488 ang bilang ng mga nasa wastong gulang na kanilang naaresto.

Ang mga nadakip na nasa wastong gulang ay pawang dinala sa presinto at ipinagharap ng kaso.

Sa magdamag mayroon ding 16 na menor de edad na lumabag sa ECQ.

Sa kabuuan 164 na ang bilang ngm ga menor de edad na lumabag sa ECQ sa Navotas.

Read more...