Itbayat, Batanes niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 36 kilometers Northeast ng bayan ng Itbayat, alas-8:35 umaga ng Huwebes (April 2).

May lalim na 141 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...