Mga naglalayag sa karagatan, mahigpit na isinasalang medical protocol
Puspusan ang ginagawang inspeksiyon at pagbabantay ng Task Group Laban COVID-19 Water Cluster sa mga karagatan at pantalan ng bansa partikular sa mga lugar at rehiyon na nasa ilalim ng ECQ/lockdown.
Ang Task Group Laban COVID-19 Water Cluster ay binubuo ng PCG bilang lead agency kasama ang Philippine Navy at ang PNP – Maritime Group na nagbabantay sa mga karagatan ng bansa lalo na sa panahon ngayon ng lockdown.
Sa pinakahuling report ng PCG, mula March 31 hanggang April 1 ay nakapag-inspeksiyon sila ng 2,522 vessels at iba pang watercrafts sa iba’t ibang pantalan at mga lagusan o waterways sa bansa.
Naisalang din sa medical screening at health protocol ang 9,352 na mga tripulante ng mga barko.
Habang 633 seaborne operations ang naisagawa upang makatiyak na ligtas ang mga naglalayag at protektado ang publiko laban sa panganib na dulot ng COVID-19.
Samantala, natanggap na rin ng mga frontliners ng PCG District Southeastern Mindanao sa Davao City ang mga medical supplies at mga personal protective equipment.
Ang medical supplies and equipment na ito ang nagsisilbing proteksiyon at kaligtasan ng mga frontliners sa pagtugon sa tungkulin sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga ito ang face masks, N95 masks, latex gloves, infrared thermometers, BP apparatus, stethoscopes, at pulse oximeters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.