Italy at Spain kapwa mayroon nang mahigit 100,000 kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2020 - 09:26 AM

Pareho nang mahigit 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Italy at Spain.

Ang dalawang bansa ang mayroong pinakamataas na kaso sa Europa, at mayroon ding mataas na death toll.

Sa magdamag, ang Italy ay nakapagtala ng mahigit 4,700 na kaso kaya umakyat na sa 110,547 ang confirmed cases nito ng COVID-19.

Mayroon namang 727 na nasawi sa Italy sa magdamag, kaya umabot na sa 13,155 ang death toll sa nasabing bansa.

Ang Spain naman ay nakapagtala ng 8,195 na bagong kaso sa magdamag.

Sa ngayon ay mahigit 104,100 na ang kaso ng COVID-19 sa Spain.

Narito naman ang bilang ng kaso at bilang ng mga nasawi sa iba pang bansa sa Europa:

• Germany 77,981 cases | 831 deaths
• France 56,989 cases | 4,032 deaths
• UK 29,474 cases | 2,352 deaths
• Switzerland 17,768 cases | 488 deaths
• Belgium 13,964 cases | 828 deaths
• Netherlands 13,614 cases | 1,174 deaths

TAGS: covid cases in europe, COVID-19, Health, Inquirer News, italy, italy death toll, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Spain, spain death toll, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases in europe, COVID-19, Health, Inquirer News, italy, italy death toll, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Spain, spain death toll, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.