Davao City Gov’t NFA rice muna ang ipamimigay sa kanilang mga residente

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2020 - 09:09 AM

Dahil sa kakapusan ng suplay ng bigas, NFA rice muna ang ipamimigay ng Davao City Government sa kanilang mga residente.

Sa pahayag ng City Government ng Davao, nakararanas sila ng problema sa pagde-deliver ng bigas sa kanilang lungsod.

Dahil dito kinukulang ang dating bigas sa suppliers.

Para matiyak na mabilis at magpapatuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente, NFA rice na lamang muna ang bibilhin ng City Government.

Marami pa kasing stocks ng NFA rice.

“To resolve the problem and expedite the distribution of relief goods, the City Government has decided to purchase the cheaper National Food Authority stocks because it is readily available,” ayon sa abiso.

Nakasaad sa abiso na asahan na ng mga benepisyaryo na maiiba ang kalidad ng bigas na kanilang matatanggap.

 

 

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, Davao City, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, NFA Rice, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, rice supply, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, Davao City, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, NFA Rice, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, rice supply, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.