Dating LRTA admin at 10 iba pang opisyal pinakakasuhan ng Ombudsman

lrt 30Inirekomenda na Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan laban sa mga dating matataas na opisyal ng Light Rail Transit Authority o LRTA.

Ito ay makaraang makitaan ng probable cause o sapat na batayan ng Office of the Ombudsman para kasuhan ng graft dahil sa paglabag sa section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019 ang mga dating opisyal ng LRTA na sina Administrator Melquiades Robles, at mga opisyal na sina Federico Canar Jr., Dennis Francisco, Evelyn Macalino, Marilou Liscano, Elmo Stephen Triste, Eduardo Abiva, Nicholas Ombao, Roger Vaño, Maynard Tolosa at Juliet Labisto.

Ang kaso ay may kinalaman sa maanomalyang pagpapatupad ng maintenance at janitorial contracts noong 2009 na nagkakahalaga ng P400.6 million ng mga dating opisyal.

Dawit din sa asunto ang mga service provider na sina Lilia Diaz at Dennis Acorda at ang joint venture ng LRTA na COMM Builders and Technology Philippines Corporation, PMP Incorporated and Gradski Soabracaj GRAS.

Napatunayan din ng Ombudsman na Guilty sa Misconduct sina Canar, Francisco, Triste, Macalino, Liscano, Abiva, Ombao, Vaño, Tolosa at Labisto.

Sila ay pinasususpinde ng anim na buwan.

Kung sakaling sila ay umalis sa tungkulin, iniutos ng Ombudsman na pagbayarin ang mga respondent ng multa na katumbas ng kanilang anim na buwang suweldo.

Matatandaan na noong 2009 pumasok ang LRTA sa kontrata sa mga naturang korporasyon para sa preventive at corrective maintenance ng mga trains, rails at depot facilities ng LRT Line 1 sa pamamagitan ng pagdeploy ng mga tauhan na may kinalaman sa maintenance at janitorial services.

Pero sa halip na mag-hire ng 793 na manpower staff ay binawasan pa tuloy ng naturang mga korporasyon ang bilang ng mga trabahador na pinahintulutan naman ng mga kinasuhang opisyal ng LRTA.

Read more...