Paggamit ng virgin coconut oil sa mga pasyenteng infected ng COVID-19, isusulong ng DOST

By Ricky Brozas April 02, 2020 - 07:52 AM

Ikinukunsidera ng Department of Science and Technology ang posibleng paggamit sa virgin coconut oil bilang lunas sa mga pasyenteng apektado ng corona virus o covid 19.

Ayon kay Ms. Beth Padilla ng Public Information Office ng DOST, magkatuwang sa virgin coconut oil clinical studies/research ang DOST, UP-PGH at ang Philippine Coconut Authority.

Ang naturang research ay isasagawa sa ospital at sa komunidad.

Para sa hospital based ang research na may titulong “Virgin Coconut Oil and Omega-3a Adjunctive Therapy for Hospitalized Patients with COVID 19” ay gagawin sa Philippine General Hospital (UP-PGH) na pamumunuan ni Dr. Marissa Alejandria.

Ang VCO ay magsisilbing supplement sa araw-araw na treatment regimen ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Layon ng pag-aaral na matukoy ang mga health benefits ng VCO kapag ipinainom o ibinigay sa mga pasyenteng may moderate hanggang sa malalang COVID-19, bukod sa mga gamot pinaiinom sa pasyente na ina-assess at nasa ilalim ng clinical trials.
Maaaring tumagal ng isang buwan o hanggang sa ma-achieve o maabot ang minimum na bilang ng mga covid patient.

Ang hakbang na ito ay sa pamamagitan ng koopperasyon ng DOST, UP-PGH Clinical COVID-19 Research Group at Metro Manila Health Research and Development Consortium of the Philippine Council for Health Research and Development (DOST PCHRD).

Kaalinsabay din nito ang isa pang research sa mga COVID-19 Persons Under Investigation (PUIs) na isasagawa sa isang isolation facilities sa mga komunidad at mga ospital sa National Capital Region at sa Region IV-A sa kolaborasyon ng DOST CALABARZON at ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Pangungunahan ng Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang community-based study at isasama ang VCO sa mga pagkaing ihahain sa mga PUIs.

Layon nito na matukoy ang mga posibleng benepisyo sa kalusugan ng VCO sa mga pasyenteng may covid 19 at kanilang mga nahawahan o contacts at iba pang high risk groups.

Apat na linggong tatagal ang pag-aaral.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DOST, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, virgin coconut oil, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DOST, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, virgin coconut oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.