Duterte sa frontliners: I will support and defend you

Photo grab from DOH Facebook video via RTVM
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng medical frontliners na susuportahan at idedepensa ito ng pamahalaan.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kasunod ng nararanasang diskriminasyon ng ilang medical workers kabilang na ang magkahiwalay na insidente ng pananaboy ng bleach at chlorine sa dalawang nurse.

Inatasan ng pangulo ang mga pulis na lumabas ng police station at mag-ikot ikot sa kanilang nasasakupan para mabantayan ang mga doktor at nurse.

Utos ni Pangulong Duterte, kapag may nahuli na gumagawa nito sa mga frontliner, kung ano ang ibinuhos sa biktima ay ibuhos din sa mahuhuling suspek.

“Yung mga tao na gumagawa ng ganun, I am ordering the police to go around. Huwag kayong mag-istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo, tandem, at maghanap kayo ng mga taong bastos. At kung mahuli mo, kung ano ‘yung binubuhos niya doon sa health worker o sa doktor, ibuhos mo rin sa kanya para tabla. Eh bakit? Ikaw lang ba ang marunong? ‘Di tikman mo rin ‘yung ginagawa mo and see if it would make you happy,” ayon sa pangulo.

Dagdag pa ng pangulo, pwede ring ipainom sa mahuhuling suspek ang ibinuhos nito sa nurse o doktor.

sa panahong ito na kritikal ang sitwasyon ng bansa binalaan ng pangulo ang lahat na sumunod sa gobyerno.

Sinabi ng pangulo na seryosong krimen ang pananakit sa health workers.

“At sabi ko sa pulis, siguro bawal man ‘yan pero ako na ang sasagot. Ibuhos mo uli doon sa nagbuhos sa mga doctor pati nurses. O kung kaya mo, ipainom mo lahat para matapos na ang problema natin.” dagdag pa ng pangulo.

Excerpt:

Read more...