Glan, Sarangani niyanig ng magnitude 3.6 lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers Northeast ng bayan ng Glan, alas-3:22 madaling araw ng Huwebes (April 2).

May lalim na 51 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...